48

Aug 14, 2018 @ 18:47
By

Carmelo Anthony pumirma na sa Rockets

Pormal nang ipinahayag ng Houston Rockets na pumirma na ang betaranong si Carmelo Anthony ng 1-year, $2.4 million contract.

Denver Nuggets ang unang team ni Anthony sa NBA, pagkatapos siyang kunin nito sa 2003 NBA Draft. Siya ay pumangatlo sa nasabing draft, kasunod lamang nina Lebron James at Darko Milicic.

Walong taon siya naglaro para sa Denver bago siya nilipat sa New York Knicks. Noong 2017 ay pinadala siya ng New York sa Oklahoma City Thunder.

Bago siya pumirma ng kontrata, siya ay nai-trade muna ng Oklahoma sa Atlanta.

Si Anthony ay miyembro ng US men’s basketball team na naguwi ng gintong medalya noong 2008, 2012, 2016 Olympics. Siya rin ay sampung beses naglaro sa NBA All-star Game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?