29

Jan 24, 2021 @ 19:19
By

Carlyn nasita ng kapwa Z-Girls member!

Aminado si Carlyn Ocampo na nahirapan siyang mag-adjust sa pagsali sa international girl group na Z-Girls.

Sa panayam ng ‘Tunog Pinoy, Tunog Abante’ sa Abante Radyo Tabloidista, sinabi ni Carlyn na dahil sa pagkakaiba ng kultura sa mga miyembro, kinailangan niyang malaman ang ilang ayaw ng mga kapwa member.

“Medyo mahirap kasi we’re from different countries, we have differences… and we have to respect each other’s differences,” sey ni Carlyn.

Binahagi ni Carlyn ang isang pagkakataon kung saan napagsabihan siya ng dalawang miyembro habang kumakain.

“Naka-chopstick diba, eh ako minsan ‘pag napapagod ako hawakan, tinutusok ko sa kanin [yung chopstick],” sambit ni Carlyn.

“Dalawa sa member ko sabi, ‘Carlyn don’t do that’… ‘Yun pala parang nakakabastos sa kanila so I just apologized,” aniya pa.

Ngunit aniya, mataas ang respeto sa kanya ng mga kapwa member bilang leader ng grupo.

“As a leader noong una mahirap magsabi sa kanila na dapat ganito tayo, bawal ‘yung ganito. Since ako naman yung parang isa sa pinakamatanda sa group, they really respect me,” lahad ng Pinay.

Ang Z-Girrls ay isang multi-race girl group na kinabibilangan ng anim na miyembro, kasama ni Carlyn sina Bell, Mahiro, Priyanka, Queen at Vanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?