16

Sep 22, 2021 @ 10:31
By

Carly Rae Jepsen ipinagdiwang 10th bday ng “Call Me Maybe”

Ipinagdiwang ni Canadian singer Carly Rae Jepsen ang ika-10 taon ng kanyang pinaka-hit na kantang “Call Me Maybe.”

Sa kanyang Facebook post, makikita ang paandar na photoshoot ng singer kung saan nakaporma siya batay sa “Past, Present, at Future.”

“It’s been 10 years since “Call Me Maybe” and this is how that makes me feel,” sey niya sa caption.

“Shout out to OG photographer Vanessa Heins Photography for shooting all three covers. Future, present and past! ❤️”

https://www.facebook.com/100044356272882/posts/409524610536078/?d=n

https://www.instagram.com/p/CUDWyVOF_79/?utm_medium=copy_link

Nai-release ang naturang pop song taong 2012 na siyang umani ng iba’t ibang awards tulad ng Billboard Music Award for Top Pop Song at MTV Europe Music Award for Best Song. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?