62

Jan 2, 2018 @ 16:56
By

So, Carlsen markado sa Tata Steel sa Netherlands

Kumpleto na ang mga maglalaro sa super tournament na 2018 Tata Steel na gaganapin sa Wijk aan Zee, Netherlands.

Nakatakdang depensahan ni former Philippine Chess team star GM Wesley So ang kanyang titulo sa Enero 13.

May 14-player na ipatutupad ang single round robin, inaasahang daan sa butas ng karayom si 24-year-old So dahil kasali si reigning World Champion GM Magnus Carlsen ng Norway.

Ayon sa mga chess analysts, markado sina So at Carlsen kahit hindi masyadong impresibo ang huling laro nila sa sinalihang tournament noong 2017.

Ang ibang petmalu na makakalaban nina Imus, Cavite native So at top seed Carlsen ay sina former world champions GMs Vladimir Kramnik ng Russia at Viswanathan Anand ng India, GMs Sergey Karjakin ng Russia, Fabiano Caruana ng USA, Anish Giri ng Netherlands, Wei Yi ng China, Russian GM Maxim Matlakov, GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan, Peter Svidler ng Russia, Adhiban Baskaran ng India, Jones Gawain ng England at nag-iisang babae na si Yifan Hou ng China.

Umiskor si So ng nine points ng nakaraang edition, nasolo nito ang first place habang second si Carlsen tangan ang walong puntos.

Dadalhin ni So ang bandera ng Amerika sa pagtatanggol ng korona, nagpalit ito ng federation may dalawang taon na ang nakalipas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?