21

Oct 17, 2021 @ 18:35
By

Carlos Yulo tangka maghari sa world championships

Kasado na si Carlos Yulo sa kanyang pagsabak sa 2021 World Artistic Gymnastics Championships na gaganapin na Kitakyushu, Japan, kung saan siya ang defending champion sa floor exercise.

Ayon kay Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion, bukod sa floor exercise ay asam din ni Yulo na makuha ang korona sa vault at parallel bars.

Sa floor exercise nagwagi si Yulo ng ginto sa 2019 edisyon ng naturang palaro. Samantala, sa vault naman siya nagtapos ng ika-apat na pwesto sa Tokyo Olympics.

“He’s going to do three-fold. He wants to win the gold in the floor, maybe silver in vault. In the parallel bars, he aims to be in the finals,” pahayag ni Carrion sa panayam ng CNN Philippines.

“He’s pumped up now and he’s more calm. He really wants to win it,” dugtong pa nito.

Idaraos ang world championships mula Oktubre 18 hanggang 24.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?