416

May 19, 2022 @ 11:35
By

Carlos Yulo ganado sa hot girlfriend

May inspirasyon pala si Filipino gymnast Carlos Yulo kaya humakot ng gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Naispatan sa biennial multi-sport event ang Fil-Aussie girlfriend niyang mas matangkad sa kanya na si Chloe Anjeleigh San Jose. Nasa 4 feet 9 inches ang height ni Yulo habang 5 feet 2 inches ang kanyang nobya.

Sa Instagram, nag-post si Chloe Anjeleigh, isang singer at digital creator, ng happy moment nila ni Yulo sa SEAG.

“Soulmate,” maiksing caption niya.

Ayon sa ulat, LDR o long-distance relationship sina Yulo at Chloe Anjeleigh.

Naka-based kasi sa Melbourne, Australia si Anjeleigh at doon nag-aaral habang nasa Japan si Yulo para sa training.

Samantala, tinapos ni Yulo ang tagumpay sa SEA Games bitbit ang limang gold medal at dalawang medalyang pilak. (IS)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?