6
chess
By

Carlos, Reyes, Hermida manghaharang ng kalaro

Sharing is caring!

Markadong makakaharang sa mga karibal si veteran campaigner Ronald “Ron Matehek” Hermida sa MVP Olympics Chess Team Competition na tutulak bukas (Biyernes) sa Meralco Head Office sa Ortigas, Pasig City.

Pangungunahan ni Hermida ang koponan ng Metro Pacific Hospitals at aakto ding team captain.

Makakasama ni Hermida sina Mark Anthony Salen, Carina Lumacad at Andrew Maranan.

Ibabanda naman ng Meralco Chess Team si FIDE Master Leonardo Carlos habang ipinagmamalaki ng PLDT si FM Narquindel Reyes.

Inaasahang madali ring mapipisak nina Carlos at Reyes ang kanilang mga karibal.

Si Marty “Binky” Gaticales, na bagong halal na director ng National Chess Federation of the Philippines, ang team manager ng PLDT chess squad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?