55

By

Carlos, Motolite linusutan ang BanKo

Mga laro sa Sabado: (The Arena-San Juan)

2 p.m. – Chef’s Classic vs Creamline

4 p.m. – Air Force vs Pacific Town Army

Humarurot ng 29 points, 26 ang attacks si Diana Mae Carlos upang iahon mula sa pagkahulagpos sa Motolite ng 2 sets up at lusutan sa dikdikang 5 sets ang BanKo, 25-16, 25-21, 19-25, 29-31 19-17, 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 elims sa The Arena-San Juan.

Sumaklolo kay Carlos si Maria Lina Isabel Molde ng 21 attacks para ibalik ang Motolite sa winning column at sa buhulan sa second spot sa 5-2 win-loss record ang PetroGazz.

Nagpadala naman ng magandang sets si Iris Tonelada na gumawa ng 34 excellent sets at toka naman sa lapag sina Bernadette Flora at Molde na may tig-18 excellent digs.

Pinamunuan ni Nicole Tiamzon ang Perlas Spikers sa 24 points habang may 19 attacks si Angeline Gervacio. Pero sa fourth sa 5-3.

“Wala kaming ibang mag-ii-step up sa team kundi talaga kaming mga wing-spiker,” wika ni Carlos sa laro nila ni Molde. “Kinausap naman kami ni coach na kailangan talaga naming mag-step up.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?