127
Carlos, Molde titibagin sina Ebon, Malabanan
Feb 19, 2019 @ 15:37
By

Carlos, Molde titibagin sina Ebon, Malabanan

Mga Laro sa Miyerkoles/Pebrero 20

(FilOil Flying V Centre, San Juan)

2:00pm — Ateneo vs UST

4:00pm — UP vs FEU

Magtutuos sa second game bandang alas-kuwatro ng hapon sa Miyerkoles, Pebrero 20, ang University of the Philippines (UP) Lady Maroons kontra sa Morayta squad ng Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Parehas na may 1-0 standings ang dalawa kaya inaasahan na magiging matindi ang hampasan at paluan ng dalawang team.

Tiwala ang mga fan ng UP na pababagsakin nina Isa Molde at Tots Carlos ang pangkat nina rookie Lycha Ebon at Jerrili Malaban ng FEU.

Unang nagpasiklab ang Lady Maroon noong Sabado nang gapiin nila ang UE Lady Warriors sa score na 25-12, 22-25, 23-25, 25-19, 15-12 at tinanghal na player of game si Molde na may 23 points para sa UP.

Sa kabilang banda, binigay naman ng Lady Tamaraws ang tikim ng unang pagkatalo para sa NU Lady Bulldogs sa score na 22-25, 25-19, 25-19, 25-12 sa pangunguna ni Ebon na may 13 points.

Asahan na pananabikan ng mga fan ng dalawang grupo ang magiging volleyball showdown ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?