166

Jan 26, 2018 @ 21:25
By

Carlo pina-project si Angelica?

Hayan, nagsisimula na ngang ‘guluhin’ ni Carlo Aquino ang personal na buhay ni Angelica Panganiban. Nag-post kasi ang Kapamilya actress sa kanyang IG Stories ng bouquet of flowers na kanyang natanggap noong isang araw.

May caption siyang ‘Hay salamat’ pero hindi alam kung para kanino ang pagpapasalamat niyang ‘yun. Eh, kasi naman, wala namang nakasaad na pa­ngalan sa pag-receive niya ng bouquet na ‘yun kung kanino galing.

Pero, ‘yun nga, nag-one plus one ang netizens na ‘yun ay galing kay Carlo na simula nang maging single ulit ay mina-match-match na ito ng kanilang mga kaibigan at tagahanga.

Why not coconut nga, e, dati naman silang magdyowa, devah? At pareho namang walang sabit ngayon, so ‘let’s relive the past’, ‘ika nga, ‘noh!

Very close friends nga sila kahit noong meron pa silang kanya-kanyang partners na na-sustain nila hanggang naging pareho ang kapalaran sa usaping pag-ibig.

And now na pareho na silang free as a bird, e, sabay silang lumipad together para makabuo ng inakay on the air. Echos!

For sure, careful, careful sila pareho ngayon, although marami talaga ang nagsasabi na sila ang nakatakda para sa isa’t isa at bagay na bagay na hindi pilit ang chemistry. Glen Regondola

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?