68

Jul 31, 2021 @ 12:14
By

Carlo Paalam pinatumba Algerian, lumapit sa Olympic medal

Umabante sa quarterfinals ng men’s flyweight si Carlo Paalam matapos padapain sa Round of 16 ang katunggaling Algerian na si Mohamed Flissi sa Kokugikan Arena sa Tokyo Olympics nitong Sabado.

Nakalapit si Paalam sa pagsungkit ng medalya matapos magwagi via unanimous decision.

First-time man sa Olympics, lumaban na parang beterano si Paalam sa three-time Olympian na si Flissi.

Nagpasiklab ang 23-anyos na tubong Bukidnon at may pagkakataong napuruhan pa si Flissi ng malutong niyang kanang kamao sa ikatlong round.

Mas matangkad man at mahaba ang 31-anyos na si Flissi, nadaig siya ng liksi at pagiging agresibo ng Pinoy boxer.

Lahat ng limang judge ay nagbigay ng iskor na 30-27 pabor kay Paalam. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?