58

Jan 12, 2022 @ 23:04
By

Carlo Paalam nagbukas ng mini grocery store

Naging wais si Tokyo Olympics medalist Carlo Paalam at tiniyak na may future siya sa labas ng kanyang boxing career.

Sa Facebook, ipinagmalaki ni Paalam na hindi nasayang ang mga napanalunan niyang premyo sa pagsabak sa Tokyo Olympics at nagtayo ng two-story commercial building at mini grocery store sa kanyang hometown na Cagayan De Oro City.

“Another hard work earned,” caption ni Paalam.

Ipinanganak sa Bukidnon si Paalam at ikalawa sa nag-uwi sa Pilipinas ng silver medal sa men’s flyweight division ng Tokyo Olympic Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?