37

Aug 5, 2021 @ 14:42
By

Carlo Paalam dinurog Hapon, pasok sa finals

Pasok na sa gold medal match ng men’s flyweight division sa Tokyo Olympics si Carlo Paalam matapos ang kagila-gilalas na unanimous decision win kontra kay Ryomei Tanaka ng Japan nitong Huwebes.

Swak ang mga kombinasyon at counter-punching ni Paalam at halos matumba pa nga si Tanaka sa isang matulis na right hook ng Pinoy sa round 3.

Dominado ni Paalam ang iskor ng limang hurado, kung saan ang apat ay umiskor ng 30-27 at ang isa ay 29-28.

Dahil sa panalo, sigurado na ang silver medal para sa 23-anyos na boksingero na tubong Bukidnon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?