45

Mar 3, 2020 @ 18:41

Carlo gustong makipagbalikan kay Angelica

“Sayang kasi,” ang hayag ni Carlo Aquino ukol kay Angelica Panganiban.

Gusto na kasi ng aktor na mabalik ang pagkakaibigan nila ng aktres at ex-partner.

“I want our friendship restored. Sayang kasi. Angelica is a good and kind person,” wika ni Carlo sa media sa contract renewal niya bilang Beautederm endorser.

Nilinaw naman ni Carlo na ‘civil’ sila ni Angge.

“There’s no awkwardness, at least on my part, because Angge and I have known each other for a long time,” sey ni Aquino.

Unang pinagtambal ang “CarGel” sa teen teleserye G-Mik, at naging real-life couple nang higit anim na taon. Naghiwalay sila dahil nangaliwa si Carlo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?