15

Mar 9, 2021 @ 18:28
By

Carlo Aquino umaming naging stalker

Kahit isa sa mga itinuturing na timeless heartthrob sa bansa ay naranasan din daw ni Carlo Aquino na mang-stalk ng natitipuhan niyang babae.

Sa vlog ng “La Vida Lena” co-star niyang si Erich Gonzales, ikinuwento ni Carlo kung paano silang nagkakilala ng kanyang girlfriend na si Trina Candaza.

Agad daw nahulog si Carlo sa magandang mga mata ni Trina sa pinuntahan niyang car show sa World Trade Center sa Pasay City.

“Siyempre may mga models, may mga babae… Tapos nakita ko siya. Tapos sabi ko, ‘Ang ganda ng mata mo.’ Siya lang iyong napansin ko talaga. Tapos nagpa-picture ako sa kanya,” sey ni Carlo.

Inamin niyang bago siya naglakas-loob na kausapin at i-date si Trina ay naging stalker muna siya ng nobya.

“After a few weeks. Hinanap ko siya sa Facebook. Actually, kilala ko pala iyong sister niya… So hinanap ko siya doon sa Facebook. Nag-stalk pa ako,” aniya.

“Kinuha ko iyong number niya, nilabas ko siya, nag-Greenhills kami, tapos nagdire-diretso na,” patuloy niya.

Nagkaproblema rin daw sila at naghiwalay ni Trina pero nang magkita ulit, hindi na niya pinakawalan dahil hindi niya ito makalimutan.

Last year isinilang ang anak nina Carlo at Trina na si baby Enola Mithi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?