330

Oct 7, 2018 @ 17:52
By

Carlo Aquino rumaratsada ang showbiz career

Mula nang pumutok ang pelikulang ‘Meet me In St. Gallen’ na pinagbidahan nina Carlo Aquino at Bela Padilla, nagtuloy-tuloy na ang pag-arangkada ng showbiz career ni Carlo.

Si Carlo ay nagsimula bilang child actor at nakilala nang husto sa markado niyang performance at linya sa pelikulang ‘Bata, Bata… Paano Ka Ginawa?’ bilang anak ng premyadong aktres na si Ms. Vilma Santos.

Mula rito, nagtutuloy-tuloy na ang pagyabong ng showbiz career ng talented na Kapamilya actor. Bukod sa kaliwa’t kanang projects, nanalo rin si Carlo ng mga award sa pelikula at TV.

Tapos ay nalinya si Carlo sa mga indie films, habang gumagawa ng mga teleserye sa Kapamilya Network at GMA-7. Nang nagbalik siya sa bakuran ng ABS CBN noong 2012, lalong nagpatuloy sa paghataw ang TV career niya.

Isa sa pinaka-hindi malilimutang teleserye niya sa Dos ay ang ‘The Better Half’ na tinatampukan din nina Shaina Magdayao, Denise Laurel, at JC De Vera.

Isa rin si Carlo sa pambatong brand ambassador ng Beautederm ni Ms. Rei Tan.

Ang movie nila ni Angelica Panganiban na ‘Exes Baggage’ ay isang certified box office hit na so far ay kumita na ng higit P207 milyon. Incidentally, palabas pa rin ang pelikulang ito sa ilang sinehan.

Ang latest na blessing na natamo ni Carlo ay nang tanghalin siyang Best Actor (Single Drama Performance) para sa mahusay niyang performance sa MMK episode na ‘Magnifying Glass’ mula sa 8th Eduk Circle Awards.

Kaya sure kami na patuloy pang darating ang blessings at patuloy pang darami ang projects ni Carlo. Marami rin ang fans nina Carlo at Angelica na humihiling na muli silang magsama sa pelikula or sa isang teleserye.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?