90

Sep 13, 2020 @ 12:40
By

Carlo Aquino may anak na!

Sinapubliko na nina Carlo Aquino at model Trina Candaza ang kanilang unang anak.

Siya si “Enola Mithi Aquino”.

Pinakita ni Carlo sa Instagram ang parte ng mukha ng anak, at sa caption ay nilagay ang lyric ng kantang ni Rico Blanco na “Your Universe”.

“You can thank your stars all you want but I’ll always be the lucky one,” sambit pa ng aktor, Setyembre 13.

Inulan ng “Congrats” ang comments section ng nasabing post, mula sa mga kapwa-artista ni Carlo na sina Ejay Falcon, Jason Abalos, Ria Atayde, at Sue Ramirez.

Oktubre 2019 kinumpirma ni Carlo ang relasyon sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Trina, kahit pa nili-link pa siya noon sa kanyang dating nobya at ka-love team na si Angelica Panganiban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?