288

By

Carlo Aquino iba pa rin ang nararamdaman kay Angelica

Sharing is caring!

Aminado si Carlo Aquino na kakaiba ang naramdaman niya nang malamang may gagawin silang pelikula ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Ngayong papalapit na ang showing ng pelikula nilang ‘Exes Baggage’, ipinahayag ng magaling na actor na nakakaramdam siya ng kaba, pressure, at excitement.

“Wooh, kinakabahan ako!” Pakli ni Carlo.

Esplika pa niya, “Simula noong na-pitch sa akin yung project, tulad nang sinasabi ko, lagi naman akong kinakabahan lalo na ngayon na si Angelica ang kasama ko, yung ex ko. So mas ma ano yun…

“Tapos inilabas na yung teaser, di ba? Parang naka-ilang views yata siya, so parang nakadagdag siya sa excitement, tapos nakadagdag din sa pressure na dapat mas mapaganda namin yung pelikula.”

Maraming fans ng dalawa ang kinikilig at inaabangan na ang muli nilang pagsasama sa pelikula. Sa parte nila ni Angelica, napag-uusapan ba nila yung aspeto kung bakit marami pa ring kinikilig sa tandem nila?

Tugon ng Kapamilya actor, “Hindi, basta kami natural lang. Kung papano ako at papano siya sa akin, lahat lumalabas ng natural e. Kasi nga, ako naman ay nagse-share ako sa kanya ever since.”

May eksena ba roon na medyo naka-relate silang dalawa or napagdaanan nila talaga?

“Oo, talagang parang ginawa nilang taylor made yung mga lines para sa amin, para tumatak at saka para rin maka-relate yung mga manonood doon sa pinagdaanan namin ni Angel.”

May kissing scene ba ritong dapat abangan ng moviegoers?

“Parang may love scene,” nakatawang saad ni Carlo na ayaw pang ibigay ang detalye ng naturang eksena.

Anong pakiramdam niya sa eksenang yun? May tensiyon ba?

“Hindi sobrang komportable namin sa isa’t isa, pero iba kasi yung si Direk Dan, iba yung execution niya, ang ganda, ang ganda…”

Idinagdag pa ng actor na hindi sila nagkaroon ng awkard moment ni Angelica sa pelikulang ito.

“Wala na, wala na. Kaya nga noong mga first scenes namin yung parang unang meet up namin, ganoon sa sobrang komportable namin, kailangan naming ulitin (yung eksena).

“Dahil kailangan first meet up, eh, kailangan na parang may awkward. Eh hindi eh, noong ginawa namin parang ang tagal naming magkakilala, so inulit namin,” saad pa ni Carlo.

Ang Exes Baggage ang unang pelikulang handog ng Black Sheep, isa sa bagong film outfits ng ABS-CBN Films. Ito ay mula sa pammahala ni Direk Dan Villegas at mapapanood na sa September 26.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?