76

By

Carlo Aquino, aminadong mas close sila ngayon ni Angelica Panganiban

Sharing is caring!

Maraming fans ang muling kinikilig sa pagtatambal ng mag-ex na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban. Pangungunahan ng dalawa ang pelikulang Exes Baggage na mula sa pamamahala ni Direk Dan Villegas.

Nang usisain ang takbo ng story ng kanilang pelikula, sinabi ni Carlo na hinggil ito sa relationship, kung ano ang mga napagdadaanan ng isang couple sa isang relationship at kung papaano ito hina-handle.

Nang tanungin pa kung mag-ex ba sila sa movie, paiwas ang naging sagot ng Kapamilya actor. “Uuuuy… hahaha! Malalaman natin iyan kapag napanood na nila iyong movie.”

Pero how do you feel na ang dami pa ring kinikilig sa inyong dalawa kahit ang tagal ninyong hindi nagsama?

“Nagugulat ako roon sa pagtanggap ng mga tao, na nandyan pa rin sila, na kinikilig pa rin sila sa amin.

“And siguro nakadagdag din yung parehas kaming single, wala kaming dinedate,” saad pa ni Carlo nang makapanayam namin sa opening ng BeauteFinds by BeauteDerm na matatagpuan sa Little Baguo, San Juan City.

Ano yung naidulot nitong pelikula sa inyo ni Angge? Mas naging close ba kayo ulit?

Pakli ni Carlo, “Oo, oo, mas naging close kami ngayon ni Angge.”

Gaano ka-close? “Mas naging close kami…mas nagte-text na kami ngayon, yung ganoon…”

Naging friends naman kayo or hindi kayo nag-usap for a while?

“Oo, hindi kami nag-uusap, ibinigay ko naman sa kanya yun kasi masama ang loob niya. Hindi ko na maalala kung kailan ulit naano yung friendship, basta parang nagka-text na lang kami isang beses.”

Paano mo ide-describe si Angelica? Gaano ba siya ka-special sa iyo?

“Kasi part siya ng past ko and present ko. Na ang dami niyang alam tungkol sa akin at ang dami kong alam tungkol sa kanya. Sa lahat ng kaibigan kong babae, iba yung level ng pagmamahal at pag-care ko sa kanya.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?