85

By

Carla at Tom, wala pang planong pakasal

Sharing is caring!

Kinabahan si Carla Abellana habang pinapanood ang kasintahan niyang si Tom Rodriguez na rumarampa nang naka-underwear lang at nag-perform pa ng martial arts routine sa entablado noong Sabado ng gabi sa “Under The Stars” Bench30years show.

Sa maikling tsikahan namin kay Carla pagkatapos ng show, sinabi nitong hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman kung excited ba siya o talagang kinakabahan siya sa napapanood niyang ramp walk ni Tom.

Sabi pa ni Carla, “Last time kasi kasama ako sa show…magkasama kami, nandoon siya, nandoon rin ako. Pero now na siya lang, iba pa rin pala ‘yung feeling na nanood ka lang, at iba rin ‘yung feeling na nandoon ka sa stage.”

“Noong rumarampa ako sa stage, kinakabahan talaga ako. So, ngayong ako naman ‘yung nanood… ganoon pala ang feeling noh?”

Suportado naman raw ni Carla ang pagpapa-sexy ni Tom dahil ipinagmamalaki niyang sexy naman ang boyfriend.

Sa pang-uusisa namin tungkol sa posibilidad na engagement sa kanilang dalawa, sinabi ni Carla na wala pa raw talaga silang pinag-uusapan ni Tom.

Alam naman raw nilang dalawa na kailangan pa nilang maging stable at iayos ang lahat bago mag-usap tungkol dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?