25

Sep 16, 2021 @ 18:13
By

Carla, Tom nagkapikunan sa lockdown

Inamin ni Carla Abellana na nag-away sila ng fiance na si Tom Rodriguez.

Kuwento ni Carla, nasa bahay niya si Tom nang magsimula ang lockdown noong nakaraang taon.

Silang dalawa raw ang nag-aasikaso ng lahat ng gawain sa bahay gaya ng paglilinis, paghuhugas ng plato at paglalaba.

Dahil dito, may pagkakataon daw na nauuwi sila ni Tom sa pagtatalo.

“Dumating din po sa point na nagkaka-arguments po kami, nag-aaway kami,” ani Carla sa isang interview.

“I continue vlogging, meron po ako sarili kong vlog. Through that mas, kung baga, mentally and emotionally mas nailabas ko po ‘yung anxiety that we experience early on the pandemic, so nakatulong naman siya,” sey pa ni Carla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?