132

Mar 6, 2020 @ 22:23
By

Carla, nag-ampon ng 2 aso sa PAWS

Bilang regalo sa kanyang sarili noong Valentine’s Day, nag-ampon ng dalawang aso mula sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) si Carla Abellana.

Kuwento ni Carla sa kanyang YouTube vlog nitong March 6, gusto talaga niyang mag-ampon ng mga aso para may kalaro ang doggy niyang Jack Russell Terrier na si Patches.

Magugunitang noong 2018 nang humagulgol si Carla nang mamatay ang aso niyang si Sunny.

Mula noon daw ay laging nakatulala at naging malungkot na si Patches.

Ayon kay Carla, Wing at Fly ang pangalan ng mga bago niyang aso.

Sinamahan siya ng boyfriend niyang si Tom Rodriguez sa pag-aampon.

“It was a big step. Pinag-isipan ko naman po nang maigi and ginawa ko ultimately for myself and for Patches,” aniya.

Hinikayat naman ni Carla ang mga gustong mag-adopt ng aso at pusa na magpunta lang sa PAWS.

“Kung gusto niyo mag-adopt, I highly encourage na mag-adopt kayo ng aspin or puspin from PAWS because napakasarap ng feeling na makapagbigay ng pagmamahal and ng bagong family and home sa mga aspin and puspin na nangangailangan,” sabi niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?