181

By

Carla hindi pabayang dyowa kay Tom

Dahil sobrang busy raw ng role ni Carla Abellana bilang si Crystal, may pagkakataon na napapabayaan o nagkukulang siya ng oras sa Mister niya rito na si Rocco Nacino.

Kaya nakakapasok daw ang character naman ni Sophie Albert.

Pero natawa si Carla nang tanungin ito kung sa relasyon nila ni Tom Rodriguez, may time na sa kabisihan niya, napapabayaan o nagkukulang siya ng oras.

“Hindi naman po kasi we’re both on the same industry. Minsan baligtad naman, siya ang extremely busy kapag may teleserye or pelikula. So parang cycle lang siya.

Although, bihira lang naman na nagsasabay na pareho kang extremely busy o punong-puno ang schedule.”

So, imposibleng magkaroon ng Sophie sa pagsasama nila ni Tom?

“Ha ha ha! ‘Wag naman po. Although, si Sophie is half-sister here so ‘wag naman,” natawang sabi niya.

Pero ayon kay Carla, sobra raw siyang nakaka-relate sa bago niyang primetime series na tatlo silang pamilya ng gumaganap na Tatay niya na si Roi Vinzon. In real-life, tatlo rin daw silang naging pamilya ng daddy niya na si Rey ‘PJ’ Abellana.

“You wouldn’t think dahil actually, ang dami po naming nakaka-relate sa concept ng show. I have a father who is with his third family already.

“The only difference lang, aware naman kami na may first and second and kami po ng mga kapatid ko sa Daddy ko, lahat kami magkakasundo. Unlike dito sa Pamilya Roces na kagulo po sila.”

Kuwento pa ni Carla, parang sa tunay na buhay rin daw ang role niya sa Pamilya Roces na dalawa lang din silang anak ng Daddy niya sa unang pamilya.

“Ang kaibahan lang talaga, at least ako, kasundo ko ang half-sisters at brothers ko kay Papa. Parang Crystal din, first family, original.”

Biro namin, sana pala ang daddy na lang niya ang kinuha.

“‘Yun nga po, puwede rin si Papa, Ha ha ha! Pero ‘yun lang nasa kabila yata siya, may teleserye.”

Ang Pamilya Roces ay magsisimula ng mapanood sa Lunes, October 8 kapalit ng ‘I Will Always Love You’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?