373

Carla Abellana, “soulmate” na ang tingin kay Tom Rodriguez

“Soulmate” na ang tingin ni Carla Abellana sa kanyang kasintahang si Tom Rodriguez at hindi na boyfriend.

Nag-post si Carla sa kanyang Instagram ng close-up shot ni Tom habang nasa gilid ito ng pool. Kahit natakpan ng braso nito ang kanyang bibig, guwapong-guwapo pa rin sa pagkakangiti niya ang Kapuso actor.

Ito marahil ang dahilan kung bakit nadala si Carla ng kanyang emosyon.

@carlaangeline, “My Soulmate (heart icon at camera icon) by me.”

Sa mga showbiz couple, ang kina Carla at Tom ang isa sa masasabing pinakamatatag. Walang nababalitang nag-away o nag-cool off muna saglit ang dalawa.

Hindi man sila madalas magkasama sa iisang project, may mga times naman na nagba-bonding sila sa mga bakasyon nila.

Isa sina Tom at Carla sa mga kinukulit ng showbiz at ng kanilang mga fans kung kailan ang engagement?

Madalas matanong ang dalawa tungkol dito at pati na ang ama ni Carla na si Rey PJ Abellana, pero laging sinasabi ng dalawa na wala pa silang plano. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?