47

Oct 23, 2021 @ 20:49
By

Carla Abellana, nagpatali na kay Tom Rodriguez

Bongga ang naging kasalan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ngayong Sabado.

Ipinasilip ng photographer na si Pat Dy kung gaano kaganda si Carla sa kanyang wedding gown na disenyo ni Monique Lhuillier.

Ayon sa ulat ng GMA, ginanap ang kasalan sa Madre De Dios Chapel sa Tagaytay Midlands.

Engaged ang dalawa noong Oktubre ng nakaraang taon ngunit isinapubliko nila ito noong lamang Marso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?