8

By

Caris LeVert tumagilid ang binti, bali

Sharing is caring!

Nakakapanlumo ang nangyari sa Brooklyn Nets forward na si Caris LeVert sa kanilang laban kontra Minnesota Timberwolves.

Maganda ang season ng 24-anyos na forward, kumukolekta ng 19 points, 4.2 rebounds at 3.7 assists kada laro, ngunit mukhang mababakante ito ng matagal-tagal na panahon.

Nitong Martes sa Pilipinas, 3.7 segundo na lamang ang nalalabi sa first half nang sumabay si LeVert kay Josh Okogie, pag-landing ay diretso sa sahig ang Nets forward at makikita ang balikong binti nito.

Kita ang sakit sa mukha ng 2016 16th overall pick, na kaagad ini-stretcher palabas ng court dahil sa tindi ng tama nito sa bandang paa.

Buong Timberwolves ay napadasal sa nangyari, at kahit mga fan ay hindi makapaniwala sa nasaksihan.

Hindi pa batid kung ano ang tunay na kalagayan ng manlalaro, ngunit asahan nang matagal ito masisilayan muli sa NBA court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }