11

By

Cariño ‘nilatigo’ ang mga bataan

Kailangan pang pagsabihan ni Perpetual Help Lady Altas head coach Macky Cariño ang kanyang mga bataan para magising at maalalang sila ang last year’s runner up.

Natisod sa unang set at pagkatapos ay bumangon para hatawin ang tatlong sunod na set at kalusin ang San Sebastian College, 29-31, 25-13, 25-20, 25-20, kahapon sa 95th NCAA women’s volleyball competition sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Bahagyang nawala ang bangis ng Lady Altas sa kalagitnaan ng fourth set kaya napilitang tumawag ng time out si Cariño.

“Noong nag-time out ako sa fourth set, sinabi ko sa kanila, ‘di ko kasi nakikita na kami ‘yung lumaban noong champion last year kasi ‘yung pride parang nawala kaya sabi ko sa kanila, unti-untiin natin, medyo kapain natin ‘yung game,” kuwento ni Cariño.

Kinapitan ng Las Pinas-based squad si Bianca Tripoli matapos magtala ng game-high 17 points kasama ang 15 hits para tulungan ang Perpetual help na ilista ang 1-1 karta.

Nalugmok ang Lady Altas sa College of Saint Benilde Lady Blazers sa kanilang unang laban.

Tumikada si Jhona Rosal ng 14 pts. at 20 digs para sa sa Perpetual help habang bumakas si Dana Persa ng 11 pintos.

Nalasap ng Lady Stags ang pangalawang sunod na talo, tangan nila ang 0-2 card.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?