12

By

Cariño, Altas aahon sa 0-3 record

Sharing is caring!

May tiwala pa rin si University of Perpetual Help Lady Altas head coach Macky Cariño sa kanyang koponan matapos silang matalo sa ikatlong sunod na pagkakataon.

“Yung preparation namin for this league, medyo off kami, pero I’m being optimistic. I’m hoping na ibigay ng best ‘yung team ko sa mga upcoming games,” ani Cariño matapos matalo kontra University of the Philippines Lady Fighting Maroons, 10-25, 12-25, 23-25.

“This is our pre-season pero kahit na pre-season ‘to, we have to perform and then we have to gain more confidence and, at the same time, experience going towards NCAA,” dagdag ni Cariño.

Hindi pa nananalo ng kahit isang set ang Lady Altas. Nilaglag sila ng Adamson University Falcons, 19-25, 18-25, 16-25, samantalang natalo naman sila sa University of Santo Tomas Golden Tigresses, 23-25, 22-25, 16-25.

Kapwa NCAA teams na nasa ilalim ang makakalaban nila sa mga susunod na araw, kaya sabi ni Cariño ay pride na ang labanan dito.

“Yung mga kakalabanin namin dito parang bottom on us, siguro pride na lang na ‘wag na magpapatalo doon and we have to be prepared,” dagdag niya.

Pinalitan ni Cariño bilang head coach si Sammy Acaylar noong NCAA Season 93. Nasungkit nila ang bronze medal sa kanyang unang taon sa puwesto. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?