31

By

Cargo vessel sumadsad sa Albay – Coast Guard

Sharing is caring!

Isang cargo vessel ang sumadsad sa karagatang sakop ng Barangay Arimbay sa Legaspi City sa lalawigan ng Albay kaninang tanghali.

Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo, partikular na nasangkot sa insidente ang MV Jeryln Lily.

Nagdulot umano ang insidente ng pinsala sa Pasig Reef na matatagpuan sa layong 500 meters mula sa dalampasigan ng Barangay Arimbay.

Sinabi ni Balilo na agad nilang idineploy sa lugar ang mga myembro ng Coast Guard Subv Station Victory para magsagawa ng imbestigasyon sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?