197

Jan 2, 2018 @ 19:55
By

Cargo vessel na may 9 na tripulante, lumubog sa Samar

Isang cargo vessel na may sakay na mga dayuhan ang pinangangambahang tuluyang lumubog malapit sa isang isla sa lalawigan ng Samar.

Kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Captain Armans Balilo na ang nasabing cargo vessel ay may pangalang Jin Ming No. 16 Hao, at ito ay namataan sa layong 5.86 nautical miles ng North East ng Marubay Island.

Sakay ng barko ang pitong Chinese at dalawang Hong Kong national.

Pinapasok na umano ng tubig ang barko.

Kaugnay nito, sinabi ni Balilo na dineploy na ng PCG ang BRP Capones para magsagawa ng search and rescue operation para mailigtas ang siyam na mga dayuhan.

Hiniling na rin aniya ng PCG ang tulong ng Philippine Air Force sa Visayas para maideploy ang kanilang chopper at tumulong sa pagsagip sa mga sakay ng cargo vessel. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?