9

By

Cargo Movers ipambabala sina Baron, Maraño, Galang

Sharing is caring!

Pakay ng F2 Logistics at defending champion Cignal na walisin ang pool upang masikwat ang dalawang outright semifinal berths sa last day ng preliminaries ng Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa Hulyo 14 sa Muntinlupa Sports Center.

Solo sa unahan ng Pool A ang Cargo Movers hawak ang 3-0 karta, sasandalan nila sina Majoy Baron, Aby Maraño at Ara Galang pagharap nila sa tigasing Petron sa ala-6 ng gabi.

Nasa ibabaw naman ng Pool B ang HD Spikers na may malinis na tatlong panalo, katapat nila ang Cocolife sa alas-4 ng hapon sa event na suportado ng Isuzu, UCPB Gen at SOGO Hotel kasama ang ESPN5, Hyper HD at Aksyon TV bilang broadcast partners.

Ayon kay F2 Logistics head coach Ramil De Jesu, kumpiyansa siyang tatalunin at mababawian nila ang Blaze Spikers.

Pinatalsik ng Petron sa trono ang Cargo Movers sa nakaraang Grand Prix.

“Everytime we have a great match-up like Petron, I don’t have to remind my players because they are preparing hard and eager to win this kind of games,” ani De Jesus. “Hopefully, everyone will step up and their great body condition will work again.”

Bukod kina Maraño, Galang at Baron, ang ibang malulupit na sandata ni De Jesus ay sina Dawn Macandili, Kim Dy at Cha Cruz-Behag. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?