11

Career-high 38 points ni Clemente, inararo ng FEU

Sharing is caring!

Nanatiling buhay ang pag-asa ng Far Eastern University sa final four spot matapos suwagin ang National University, 79-74, sa laban sa UAAP Season 81 sa Araneta Coliseum.

Nasayang lang ang magandang tirada ni rookie John Lloyd Clemente para sa National University, kinuha ang 38 points career-high, 21 points ay binuslo sa third quarter ngunit hindi pa rin naging sapat para sa Bulldogs.

Samantala, dalawa ang nagbida para sa Tams, kumamada si Arvin Tolentino ng 16 puntos, 15 naman para kay Kenneth Tuffin, para makapasok muli sa top 4 ng liga, kapantay ang UP Fighting Maroons.

“We’re still in the hunt, (pero) wala pa kami sa Final 4, so we need one more win. Hopefully, nakakakuha na kami ng momentum, and sana we get one more to force a playoff,” pakli ni FEU head coach Olsen Racela.

Adamson na lang ang natitirang balakid para sa FEU, at kapag nanalo ay mas magiging solido ang kanilang tsansa sa semis.

“So far, these boys are playing really well in the last two games,” saad ni Racela. “Except for pag-putok ni Clemente, they really followed the defensive game plan.”

“Hopefully, we can sustain that in our last game,” ayon din sa dating San Miguel Beermen player. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?