41

By ,

Cardona ‘big brother’ sa 3×3

Kayang-kaya pa!

Ito ang walang takot na pahayag ni MacMac Cardona sa posibilidad ng pagbabalik niya sa PBA.

Kasalukuyang naglalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa ilalim ng San Juan Knights ang 37-anyos na si Cardona. Bukod dito, lalahok din siya sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 sa parehong koponan.

“First time kong maglaro nito. Kaya pa naman, sa MPBL puro bata mga kalaro ko doon. Kaya pa naman, ginagamitan ko na lang ng experience pero ‘yung bilis medyo nawala na,” ani Cardona.

Malaki rin ang pasasalamat ni Cardona sa tiwala at pagkakataong ibinigay sa kanya para makapaglaro sa ganitong klaseng liga at napagpapatuloy niya paglalaro ng basketball.

Inamin din nito na target nila sa pagsabak sa liga na ito ay masungkit ang kampeonato at hindi ipahiya ang kanilang tropa.

“Maraming potensyal na makuha sa darating na Olympics. Maganda ‘tong liga na’ to (kasi) maraming bata dito, siyempre excited sila at opportunity sa kanila ‘to, seryosohin nila to,” dagdag nito.

Magsisilbing kuya at mentor na rin si Cardona sa kanyang tropa na kinabibilangan ng mga batang manlalaro.

“Parang ganun na. Ako siguro ‘yung pinakamatanda dito, ako ‘yung kuya nila dati ako yung baby eh,” pagtatapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?