151

Jun 20, 2020 @ 11:52

Cardo Dalisay napasabak ng bugbugan sa Batangas

Naka-14 days quarantine na naman ang actress na Sunshine Cruz.

Kung matatandaan, nag-14 days quarantine din siya noong mag-positibo ang actor na si Christopher de Leon sa COVID-19.

Resume taping na kasi sila para sa serye na nag-shutdown man ang ABS-CBN, pero itutuloy ang pagpapalabas nito sa Kapamilya Channel sa cable.

Nakausap namin si Sunshine at kinamusta nga sa lock-in taping. Obviously, kahit sabihin pang may tatlong anak na babae ito na maiiwan sa bahay, walang problema kay Sunshine ang new normal taping.

Ayon kay Sunshine, “Naka-14 days quarantine ako, kami sa bahay para kapag nag-start na ang taping, kailangang ma-test for COVID-19 and masiguro namin na negative ang result. Then, after that, yun na, lock-in na kami for taping.”

Ang Ang Probinsyano ay nakakapagsimula na ng lock-in taping sa resort mismo ng pamilya ni John Prats sa Batangas. Kaya huwag na kayong magtaka kung maya’t maya ay may makikita kayong mga photo ni Cardo Dalisay na nasa resort siya sa Batangas.

Eh, puro maaksiyon nga ang mga eksena sa Ang Probinsyano na kinunan, ayon na rin sa kuwento ng isang kakilala. So, napasabak agad pala si Cardo sa bakbakan sa Batangas, ha! Unang sabak nila sa taping, bakbakan agad. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?