55

By

Cardo, Alyana happy ending hiling ng mga fan

Sharing is caring!

Kahit nababalitang magtatapos na sa ere ang FPJ’s Ang Probinsyano, lalo namang pahigpit nang pahigpit ang pagkapit ng mga manonood sa takbo ng pag-iibigan nina Cardo (Coco Martin) at Alyana (Yassi Pressman), matapos umani ng sari-saring papuri ang episode ng serye noong Miyerkoles (Hunyo 27).

Sa naturang episode, muling sinariwa ng mag-asawa ang kanilang masayang nakaraan na nauwi pa sa iyakan nang balikan din nila ang alaala ng kanilang namayapang anak.

“‘Yung episode na ‘yon sobrang relate ako. Ganyan kami ng asawa ko. Nag-aaway, pero mamaya mag-aaya uminom. Maya-maya maglalabasan na naman ng sama ng loob. Pero nandoon pa rin ‘yung love kahit anong mangyari,” tweet ni @cocoyassm_Ksa.

“Grabe ang husay nilang dalawa. Dinaig niyo pa ang mga batang love team. Mas real ‘yung sa inyo. Effortless ang chemistry,” papuri ng Instagram user na si @luvnesgudmalin.

“Nakakaiyak ‘yung scene nina Cardo at Al­yana. I feel the pain. Alyana, alam ko mahal mo pa rin si Cardo pero nangingibabaw pa rin ang galit mo. I am still waiting for your happy ending,” sabi naman ni @babasept10.

Sabik na sabik nga ang mga tagasubaybay sa muling pagbubukas ng kuwento ng pag-ibig nina Cardo at Alyana, kaya naman kamakailan ay pumalo rin ang serye sa pinakamataas nitong national TV rating ngayong 2018 na 45%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Patok din sa social media ang tambalan ng dalawa sa pangunguna ng serye sa trending topics sa Twitter at pagkalat ng nakakakilig na memes mula sa mga eksena ng palabas.

Sa pagpapatuloy naman ng kwento, may paparating na panganib sa buhay ni Alyana ngayong magugustuhan siya ni Tanggol (Joross Gamboa), ang pinuno ng grupo ng mga bandido. Ngunit hindi hahayaan ni Cardo mapahamak ang asawa at sisiguraduhing mailalayo si Alyana sa panganib.

Kailan kaya magaganap ang balikan nina Cardo at Alyana? ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?