98

Oct 26, 2017 @ 16:42

Cardinal Vidal nailibing na

Inihatid na sa huling hantungan si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.

Sa report ng Balitanghali, inilibing na ang cardinal sa mausoleum sa likod ng Cebu Metropolitan Cathedral Huwebes ng hapon.

Bago ito, nagdaos muna ng misa para sa sa kanya na dinaluhan ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle at iba pang mga kilalang personalidad.

Nagsagawa ng 30 minutong prosesyon para sa paghatid ng labi ng cardinal patungo Cebu Metropolitan Cathedral na dinaluhan ng 55,000 katao.

May 25 katao naman ang nahilo sa prosesyson at binigyan ng first aid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?