89

Oct 19, 2017 @ 17:21

Cardinal Vidal mahalagang bahagi ng kasaysayan — DFA

Nakiisa na rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagluluksa ng bansa sa pagkamatay ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.

Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na hindi makakalimutan ang ipinakita nitong spiritual leadership sa tatlong dekadang pagsisilbi bilang Archbishop ng Cebu.

Gayundin aniya ang napakahalagang ginanpaman ni Archbishop Vidal sa mga mapayapang pagsasalin ng kapangyarihan ng mga nagdaang administrasyon na bahagi na ng kasaysayan ng bansa.

“We join the millions of Filipinos whose lives Cardinal Vidal was able to touch in praying for his work, ministries and all those who he loved,” ayon kay Cayetano.

Sumakabilang-buhay ang 86-anyos na pinuno ng Simbahang Katoliko noong Miyerkules matapos na ring pagyamanin ang buhay ispirituwal ng mga taga-Cebu ng halos tatlong dekada. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?