111

Dec 17, 2017 @ 18:37
By

Cardinal Tagle sa mga Kristiyano: Manguna sa kapayapaan

Sa pagpasok ng Simbang Gabi, nanawagan si Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle na tigilan na ang diskriminasyon laban sa mga taong may ibang kultura at paniniwala.

Sa kanyang homily, partikular na tinukoy ni Tagle ang umano’y sentimyento laban sa mga Muslim bunsod ng katatapos pa lamang na gyera sa Lungsod ng Marawi.

Ayon kay Tagle, dapat na buwagin ng mga Pilipino ang mga hadlang sa kapayapaan, at ang mas dapat na manaig sa Kristiyano ay ang pag-asa tungo sa pagkakaisa at hindi pagkakawatak-watak.

“Let’s build relationships to destroy the wall that divides and often leads to violence and indifference,” saad ni Cardinal Tagle.

Aniya, umaasa siya na ang relasyon sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim ay mas magiging mahusay at mas malapit sa isa’t isa.

Ang kailangan umano ng mga Kristiyano ngayon ay ang masaksihan sa kanilang buhay si Hesus na nangangahulugan ng pagsasabuhay sa mga turo ni Hesus sa araw-araw lalu na sa pagtulong sa mga mahihirap at mga napagkaitan.

“It’s time for more people who would bear witness the love of God that embraces all humanity.

“And one way of witnessing to Jesus is through reconciliation and unity by addressing misunderstanding and individualism that sometimes result to violence,” dagdag ng Kardinal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?