85
views
cardinal-tagle

Cardinal Tagle, nanawagan sa Traslacion 2018

Sharing is caring!

Nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga deboto na gawing makatao, maka-Diyos, makabayan at maka-kalikasan ang idaraos na Traslacion 2018.

Sinabi ni Tagle, ipinagdarasal din niya na mauwi sa mas malalim na pagkilala kay Hesus ang paglahok  ng mga deboto sa traslacio ng Itim na Nazareno.

“Sana po maging maka-kalikasan ang ating pagdiriwang. Makatao, maka-buhay, maka-Diyos at makabayan. Magkita-kita po tayo sa darating na kapistahan. Maraming salamat po,” ang sabi ni Tagle sa church-run Radio Veritas.

Hinikayat pa nito na manampalataya ang mga deboto na maging mapayapa at malayo sa kapahamakan ang gaganaping traslacion na inaasahang dadagsain ng milyong tagasunod nito.

Kaugnay nito, nagpahayag na ang National Capital Regional Police Office at Manila Police District ng kahandaan nila sa pagsisiguro sa seguridad ng mga dadaanan ng prusisyon at lalo’t higit ang kaligtasan ng mga taong lalahok dito sa Enero 9.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?