78

By

Cardinal Tagle, may apela sa mga hindi naniniwala sa Diyos

Sharing is caring!

May panawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga hindi naniniwala sa Panginoon.

Sa kanyang dalawang pahinang liham, sinabi ng kardinal na ang mga hindi naniniwala sa Panginoon ay dapat na magsilbi at maging matulungin alang-alang sa diwa ng pagiging tao at simpatiya sa kapwa.

Aniya, bagama’t mahalaga ang mga katanungan o isyu kaugnay sa pananampalataya, dapat pa ring matutukan ang pagtugon sa mga problema ng lipunan.

Kabilang na rito ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, seguridad sa trabaho, pagsasamantala sa mga kababaihan at mga bata, karahasan, krimen, isyu kaugnay sa mga OFW, problema ng traffic, pagbaha, terorismo at katiwalian.

Dapat umanong magkaisa ang lahat at mag-ambag para sa positibong tugon sa nasabing isyu.

Hindi umano malulutas ang mga isyu kung mauuwi lamang ito sa pagtuturo ng sisi.

“Those who believe in God must work faithfully and joyfully for the Lord. Those who do not believe in God must serve out of human decency, generosity and concern for neighbors,” bahagi ng liham ni Cardinal Tagle.

Naghalaw pa si Cardinal Tagle ng talata mula sa Bibliya, partikular na mula sa Mateo 5:11-12:

“Pinagpala kayo kung kayo ay inaalimura ng mga tao at pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng masasamang salita na pawang kasinungalingan dahil sa akin. Magalak at magsaya kayong totoo sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Ganyan din ang ginawa nilang pag-uusig sa mga propetang nauna sa inyo.” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?