197
Cardema alanganin pang maging kongresista
By

Cardema alanganin pang maging kongresista

Nasa balag pa ng alanganin ang pagiging kongresista ni dating National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema matapos kumpirmahin ng Commission on Elections (Comelec) na hindi pa nito aprubado ang kanyang substitution bilang nominado ng isang party-list group.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na hindi na naaprubahan ang substitution ni Cardema sa kaniyang asawang si Ducille Marie Suarez na naghain ng kanyang notice of withdrawal sa poll body noong Mayo 12, bisperas ng araw ng eleksyon.

Nilinaw ito ni Guanzon bilang reaksyon sa Facebook post ni Cardema na nagsasabing isa na siyang incoming congressman sa House of Representatives.

Naghain ng petition for substitution si Cardema noong May 12 para maging first nominee ng Duterte Youth party-list.

Sinabi ng Malakanyang na maituturing na resigned na sa kanyang puwesto si Cardema dahil sa paghahain nito ng substitution bilang first nominee ng Duterte Youth party-list.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, agad na maghahanap si Pangulong Rodrigo Duterte ng kapalit ni Cardema na totoong magsusulong ng kapakanan ng mga kabataan.

Inatasan din ng Palasyo si Cardema na bakantehin agad ang kaniyang puwesto at i-turn over sa Office of the President ang lahat ng official papers, documents at property na kaniyang hinahawakan pa ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?