30

Sep 15, 2020 @ 16:45
By

Caramat, hepe ng PNP-DEG, may bagong posisyon

Ang hepe ng Philippine National Police Drug Enforcement Group ang magiging bagong pinuno ng Police Regional Office Caraga.

Ayon sa PNP public information office, Martes, papalitan ni Brig. Gen. Romeo Caramat Jr. si Brig. Gen. Joselito Esquivel na magreretiro na sa pulisya sa Huwebes, Setyembre 17.

Samantala, papalitan naman si Caramat ni Brig. Gen. Armando De Leon bilang hepe ng PNP-DEG.

Si De Leon naman, na deputy regional director for administration ng Davao Region, ay papalitan ni Col. Lorenzo Detran Jr. na mula sa Police Regional Office – Mimaropa.

Magsisimula sila sa kanilang mga bagong puwesto sa Setyembre 17.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?