183

Dec 21, 2018 @ 17:26
By

Cara y cruz sa Pasig, shabu ang pampusta

Arestado ang tatlo katao matapos damputin ng Pasig Police sa iligal na pagsusugal sa kalsada at makuhanan ng shabu sa Barangay Pinagbuhatan.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director Bernabe Balba, inirereklamo ng mga residente ang ginagawang pag-iingay ng mga suspek na sina Hernando Macasero y langres, 30-anyos, house painter; Jhobert Atchazo y Pineda, 18-anyos at Jerome Natividad y Javier, 27-anyos, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, agad nagsagawa ng follow-up operation ang Pasig Police bandang alas-4:30 ng hapon sa kahabaan ng Baltazar St., Barangay Pinagbuhatan, makaraang ireklamo ng pag-iingay ang tatlong suspek na naglalaro ng cara y cruz.

Agad na dinampot ang mga suspek habang nagkalasan naman ang mga miron at nang kapkapan si Macasero ay nakuhanan ng isang sachet na naglalaman ng shabu at nakumpiska sa kanila ang tatlong piso na gamit bilang pangara at P80 na betting money.

Nabatid na shabu ang ginagawang pusta mg mga suspek sa sinumang mananalo ng cara y cruz.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasug detention cell at nahaharal sa kasong paglabag sa PD 1602 at RA 9165 .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?