24

Oct 9, 2021 @ 15:25
By

CAR; Region 2, 9, 4B mataas pa rin panganib sa COVID

Nananatiling high risk o mataas ang peligro sa COVID-19 ng ilang lugar sa bansa.

Ito ang inihayag sa Laging Handa press briefing ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa kabila ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at ilang mga pangunahing lungsod at rehiyon.

Dahil dito, sinabi ng opisyal na tinututukan ngayon ng kagawaran ang mga lugar ng Cordillera Autonomous Region (CAR), Region 2, 9 at 4B para mapahupa ang pagkalat ng COVID.

“Meron pa ring mga lugar na pina-flagged natin na mataas pa rin ang case classification, nasa high risk pa rin sila at positive pa rin ang two weeks growth rate nila,” ani Vergeire.

Para naman sa bed at ICU utilization, sinabi ni Vergeire na marami pa ring pasyenteng ginagamot at halos napupuno dahil sa COVID-19 sa mga nabanggit na lugar, kasama na ang CARAGA region.

Umaasa ang opisyal na huhupa rin ang pagkalat ng virus dahil tuloy-tuloy aniya ang pag-alalay sa mga nabanggit na lugar at pagpapalakas sa vaccination rollout para magkaroon ng dagdag na proteksiyon ang mga mamamayan.

“As to the total beds and ICU utilization, high risk ang CAR, Region 2, Region 9 and CARAGA,” dagdag ni Vergeire.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?