61
Captain Marvel resbak sa 'Avengers: Endgame' Trailer 2
By

Captain Marvel resbak sa ‘Avengers: Endgame’

Captain Marvel resbak sa ‘Avengers: Endgame’ Trailer 2

Inilabas na ang brand-new trailer ng “Avengers: Endgame” ng Marvel Studios.

Magsasanib na sina Iron Man, Captain America, Black Widow, Hulk, Thor, Hawkeye at War Machine para sa final showdown sa napakalakas na si Thanos.

Reresbak din para sa kanila sina Rocket, Nebula, Ant-Man at Okoye para magapi si Thanos, na binura ang kalahati ng mundo.

Kaabang-abang din ang pagsulpot ni Captain Marvel sa pelikula na kaeksena si Thor.

Ipapalabas sa mga sinehan ang ikaapat na Avengers movie sa April 26, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?