17

Mar 8, 2021 @ 18:32
By

‘Captain America’ sabik nang mamasyal sa ‘Pinas

Nasasabik nang bumisita sa Pilipinas ang bagong ambassador ng Smart Communications na si “Captain America” actor Chris Evans.

Aniya sa ABS-CBN report, marami siyang naririnig na magaganda tungkol sa Pilipinas tulad ng mga beach.

“I’ve heard great things [about the Philippines]. Great beaches! I’ve heard that today, actually. I heard great food. Wonderful people,” anang Hollywood actor.

“I mean every time I am in any sort of Asian territory it’s always hard to leave because it is incredibly welcoming and aesthetically beautiful so I am eager to visit,” dagdag niya.

Ayon kay Smart Communications president at CEO Alfredo Panlilio, gusto nilang ilibot sa Pilipinas si Evans kapag bumisita na ito sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?