67

Dec 1, 2017 @ 16:35

Captain America, Jenny Slate nagkabalikan na

Opisyal nang nagkabalikan sina Chris Evans, ang aktor na nasa likod ng Marvel comic character na Captain America at dati niyang kasintahang si Jenny Slate.

Ito ang nakumpirma ng ET matapos makita ang dalawa nitong Oktubre habang namamasyal sa Atlante, Georgia.

Naghiwalay ang dalawa noong Enero ng taong itong matapos ang isang pagdi-date.

Nitong Oktubre, madalas umanong nag-uusap ang dalawa sa pamamagitan ng social media.

Nitong Nobyembre, kinumpirma ni Slate na may bagong siyang kasintahan. “My boyfriend does many dreamy&generous things but number 1 in my mind right now is how he celebrates my new turtlenecks/let’s me show him my online shopping spoils&cheers me on.”

Bagama’t hindi ito ipinangalan ni American comedian/actress na si Slate, may espekulasyon ang kanyang mga fans na ang bagong niyang boyfriend ay ang dati niyang kasintahang si Evans, matapos makita ang actor sa background ng kanyang mga videos sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?