5

Jan 12, 2021 @ 18:35
By

Capiz hindi rin nakaligtas sa baha

Bukod sa Southern Leyte at Eastern Visayas, hindi rin nakaligtas ang bayan ng Pontevedra, Capiz sa hagupit ng malakas na pag-ulan.

Lumubog din sa baha ang naturang bayan ngayong Martes ng umaga.

Sambit ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Ricky Boluso, may mga ilang baranggay sa naturang bayan na hindi madaanan buhat ng mataas na pagbaha.

Ito ay matapos umapaw ang Agbalo River dahil sa suod-sunod na araw ng pag-ulan.

Ani pa ni Boluso, Pontevedra ang catch basin ng kanilang probinsya dahil sa mababang lokasyon nito.

Dahil dito, naapaketuhan angpangunahing pinagkakakitaan ng mga residente roon partikular na ang mga palayan at palaisdaan.

Wala namang inilikas na residente nang dahil sa baha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?