9

Apr 15, 2021 @ 18:04
By

Capiz gov dinapuan uli ng COVID

Muling nagpositibo sa coronavirus disease si Capiz Governor Esteban Evan Contreras II.

Inanunsyo niya ito sa Facebook page ng Capiz provincial government.

Una siyang tinamaan ng COVID-19 noong Agosto 2020.

Sabi ni Contreras, sumailalim siya sa swab test nitong linggo matapos isang staff ng kanilang Public Information Office ang magpositibo sa COVID-19.

Tulad nang una siyang magpositibo ay asymptomatic uli ang gobernador.

Sa ngayon ay naka-home quarantine siya ngunit tiniyak na hindi hihinto sa pagseserbisyo sa mga Capiceños.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?