12

By

Cansino, UST itinaob ang UP

Sharing is caring!

Sinakmal ng UST Growling Tigers ang UP Fighting Maroons, 86-72, Miyerkoles sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Kaagad nagliyab ang UST sa simula ng laro at nagtuloy-tuloy pa ang kanilang pagbulusok sa third period upang makuha ang pinakamalaking kalamangan ng laro, 76-46.

Sinubukang humabol ng UP sa fourth quarter sa pamamagitan ng 23-6 run ngunit tinuludukan ni Marvin Lee ang kanilang pagbulusok upang masiguro na ang UST sa kanilang ikatlong panalo sa pitong laro katulad ng kanilang biktima.

Unang back to back win ito ng Growling Tigers sa season.

“Everybody came out to play today. Almost all of my players, they played well,” sabi ni UST head coach Aldin Ayo.

Kayod-marino ang super rookie ng UST na si CJ Cansino, tumipa ng 16 points, 10 rebounds at seven assists. Rumehistro naman ng 13 points si Henri Subido samantalang nanggaling lahat ng 12 points ni Kenneth Zamora mula sa three-point line.

Para sa UP, naglista ng 18 points at 11 rebounds si Bright Akhuetie habang si Javi Gomez De Liaño ay nag-iwan ng 12 markers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?